Monday, March 2, 2009

porky

malungkot ang buhay...
buhay.
malungkot.
taena.
.
.
.
di rin nakatulong ang nakita ko nung pauwi.
mga baboy sila.
seryoso.
mga baboy sila na nasa likod ng pick-up truck.
baboy.
malungkot.

kapag kaya nasa byahe sila, nag-uusap usap kaya sila para malibang?
nakakapag-usap ba sila sa isa't isa? o yung oink nila ay wala lang (nagkaroon ng kalokohan).

naaappreciate din kaya nila ang ganda ng paligid kapag nasa byahe?
at nababanas kapag polluted ang paligid?

tulad din kaya sila ng tao na nahihilo sa byahe?
tulad din ba sila ng tao?
baboy din kaya ako?

baboy din kaya ako?
na minsan walang clue kung san dadalhin?
baboy din kaya ako na pagkatapos ng byahe, magugulat na lang bigla dahil na katapusan ko na pala?

nalulungkot din kaya ang baboy tulad ko?
o madrama lang ako.
...
taena, blanko.
.
.
.
malungkot ang buhay.
napapatanga. napapatulala. pati baboy sa likod ng truck, napapagtripan. pag malungkot siguro bukas ang utak. marami nakikita. marami napapansin. palaging may opinyon sa iba. siguro dahil ayaw harapin ang lungkot sa sarili. ayaw sagutin ang problemang alam naman ang sagot. minsan maraming tanong. maraming tanong na walang sagot. walang sense sagutin. dahil masasaktan lang ako. maraming sagot. lahat tama. lahat mali. blanko. walang clue ang buhay. maraming gustong balikan na pagkakataon. maraming bakit. mahal na mahal kita. bakit ba ganyan ka? lab layp. pakshet.

Sunday, February 1, 2009

perstaym



taena.
wala pala ako masabi.
.
.
.
ganun yata talaga pag pers taym.
tameme.
nagpapakiramdaman.
mukhang tanga.

di na yata pwede magback out. para naman akong walang patutoy pag ganun. para pagpapakilala lang ng sarili di pa magawa. taena. bahala na nga.
.
.
.
sige na nga. next time na lang. iinom muna ko ng yakult. kakain ng bahaw. jejebs.